Sunday, February 20, 2011

Ang Talambuhay ni Micah Krishia I.Garcia



Nung ako ay bininyagan
  Taong 1995 buwan ng Julyo  16 nang ako ay ipinanganak.Pangatlo at kaisa-isang babae sa anak nina Jerry B. Garcia at Adhalia I. Garcia.Labing limang taong gulang.Naninirahan sa Barangy San Rafael San Pablo City.Dito sa lugar na ito ako nag-kaisip at lumaki.
        Bilang isang simpleng tao marami na halos akong mga karanasang nadanas na hindi kailanman mamalilimutan. Nag-aral ako nang elementarya sa eskwelahan ng Joel Town Primary School at lumipat sa Margarita Lopez Laurel Memorial School nuong ako ay mag-iikaapat na baitang.Sa paaralan kilala ako sa pagiging mahiyain,bihira akong sumagot sa klase at makihalubilo sa ibang bata.Ngunit ito ay sa una-una lamang dahil nang ako ay malipat sa Laurel ay nbawasan ang aking pag-kamahiyain,dito ay nakahiligan ko ang pag-sali sa mga sayaw at pag-kanta.Hilig ko na talaga dati pa ang pag-sayaw kaya nuong ako ay kinder nang imbitahin ang aming buong klase na sumayaw sa Parokya ng San Roque ay sumali ako at ang iba pa.Nakilahok din ako sa mardigra nuong ako ay grade four.Iilan lamang ang napili sa aming paaralan at ang iba ay pipiliin pa sa ibang eskwelahan nasa distrito lamang ng Del Remedio.Lagi kaming nag-papraktis nuon sa iskul ng San Marcos at halos inaabot kami ng gabi.Naging sulit naman ang lahat ng pagod dahil kami ang naging first place at tinanghal na best in costume.Wala naman kaming binayaran dito kundi ang hikaw at ang pampaa na aming gagamitin sa laban.Dahil sa sobrang pag-sasayaw sa init ay dito ako nangitim ng husto.
          Bukod sa pag-sasayaw ay naranasan ko ng sumali sa pagiging Miss Del Remedio,masaya ako dahil nag-tiwala sa aking abilidad ang guro ko na si Mam Mojares.Ako ang siyang lumaban bilang Miss San Rafael at ang kapareha ko rito ay si Vince Rafael Guevarra na lumaban bilang Mr.San Rafael.Ngunit sa mga hindi inaasahang mga araw nang papalapit na ang araw ng Contest ay nag-karoon ako ng sakit na bulutong.Nahihiya na akong ipagpatuloy pa sana ang laban pero naalala ko na ayos na ang lahat-lahat tulad na lamang ng gown na aking susuutin at ang float na sasakyan namin para sa float parade na siyang lolo at papa ko pa nag-pakahirap na gumawa.Kaya kahit pa ganuon ang nangyari ay itinuloy ko parin.Sa lahat nang kalahok sa paligsahan ay ako ang pinaka maliit at pinaka bata kaya naiilang ako masyado sa kanila pero mababait naman sila kaya sila na yung mismong nakikipag-kaibigan sa akin.Nang tumagal naman ay naging close ko na rin sila.Ang labanan ay ginanap ng gabi at suportado ako ng aking mga kamag-aral mga guro at aking mga magulang.Hindi ako makakain sa sorang kaba pero sinikap ko pading maging kalmado.Matapos ang lahat ay tinanghal akong 2nd place nang gabing yun at nakita kong proud na proud ang mga nag-suporta sa akin lalo na ang aking mga magulang.Sobrang sarap sa pakiramdam dahil naibahagi ko ang kakayahan ko sa iba.Hanggang ngayon ay nasa akin parin ang ang trophy na aking natanggap at ang dalawa pa ay inilagay sa principal office ng aming paaralan.Narito ang larawan nang ako ay lumaban.Naaalala ko rin na malimit akong kunin na abay sa mga kasal-kasal,natutuwa naman ako dahil magagandang saya ang ipanapsuot nila sa akin gayun din naman sa mga Flores De Mayo.

 

           Sa paaralan ay nakakatanggap din ako ng mga medalya.Masaya ako dahil isang karangalan ang umakyat sa entablado kasama ang iyong magulang na siyang mag-susuot sa iyo ng medalya.Ngunit nang ako ay tumuntong ng ikalimang baitang ay hindi na ako nakakasali sa mga napaparangalan,pero hindi ibig sabihin nito ay pinapabayaan ko ang aking pag-aaral marahil ay dahil sa malimit akong lumiban sa klase kapag ako ay nag-kakasakit.Kahit ganoon ay sinikap ko maging aktibo at humabol sa mga nakaligtangan kong mga aralin.Pero nang mag-simula akong tumuntong nang grade six ay dumoble ang pagiging pasaway at sutil ko.Meron nga akong kaklase nuon na nagalit sakin dahil napagkatuwaan namin na iba kong kaibigan na asarin siya.Ang ginawa namin ay ikinagalit niya nang husto,hinabol niya kmi,binato ng pingan at sinabing pag-papatayin kami kaya sobra ang aking naging takot.Mabuti na lamang at dumating ang isang magulang upang siya ay awatin sa pag-habol sa amin.Mag mula nuon di ko na siya inaasar pa at ako ay nanahimik na lamang.Mas kadalasang nag-lalaro na lamang kami sa Pena Francia Sub.at duon nagliliwaliw sa play ground.Isang hapon ng nag-lalaro kami ay nahuli kami nang security dali-dali kami sa pag-takbo at sa sobrang takot ay sa mataas na bakod na kami dumaan.Sa pag-talon ko ay nag-karoon ako sugat sa tuhod na siyang naging dahilan nang pag-kakaroon ko ng peklat.Buti narin lamang at hindi kami naabutan.Pag-katapos ng nangyaring iyon ay hindi na ako bumalik pa duon para mag-laro.Kaya sa iskul nalang ako parati kapag bakante ang oras dahil duon ay madalas na kaming mapag-utusan nang mga teacher na mag-linis na lamang ng principal office imbes na tumambay sa room.Minsan ng nag-huhugas kami ng pingan ay aksidenteng nasira ang pinalalagyan ng pingan at nabasag lahat ng nkalagay duon.Hindi namin alam ang gagawin ng mga oras na iyon ang mabuti nalang at hindi kami ganuong napagalitan at ipinalinis na lamang ito sa amin ni Rean jen.Sa araw-araw na ganuon ang aming ginagawa ay di ko na namalayan na papalapit na nang papalapit ang graduation.Mga ilang araw ay nag-pakuha na kami ng litrato na nakatoga at nag-simula na rin na mag-praktis nang para sa pag-tatapos namin sa elementarya.Pinili nang aming adviser na Thanks to you ang kantahin handog na daw para sa aming mga magulang.Bago ang lahat ay ginawa namin ang lahat ng aming nakasanayang gawin dat.Mamimiss namin ang lahat ng ito kaya hindi namin mapigilan ang umiyak nang araw na kamiy mag-kakahiwalay na .
               Nang pumasok ako sa buhay pagiging high school marami akong napagtanto.Natutunan ko na mag-ayos ng sarili.Nabawasan ang pagiging tomboyin ko dahil sa mga nag-gagwapuhang lakan ng paaralan.Naisip ko na kailangan ko na kumilos na parang isang dalaga.Naging masiyahin rin ako dahil magigiliw ang mga mag-aaral ng Col.Lauro D.Dizon Memorial National High School.Nang mag-karoon ng gaganapin na concert sa iskul para sa mga estudyante ay nag-audition ako para sa vocal solo at nakapasok naman ako para sa isa sa mag-peperform sa nasabing concert.Pero mga ilang araw lamang nang aming pag-papraktis ay umayaw na iba kong makakasama kaya nag-pasya ako na hindi narin sumali.Sa halip ay nanuod na lamang ako nang gabing iyon,naging masaya prin naman dahil magagaling  ang lahat.Sa labanan naman ng bawat klase ay nakikilahok naman ako tulong narin para sa aming section.Kahit nga lang minsan ay natatalo kami ay atleast ay ipinakita namin ang aming makakaya.
Mga tr3p2x kung picture
               Third year ako nang mapalipat ako sa C medyo kinakabahan ako dahil sec.E ako ng 1st yr. ganun din ng 2nd yr.Marahil ay iba na ang magiging kaklase ko at kailangan muna mangapa.Pero nang tumagal na ay nalaman ko na mababait sila at madali namang makasundo,walang nag-aaway away lahat ay parang mag-kakapatid.Ganun din aman ang aming mapang-unawa na adviser.Dahil kami ay junior na ay kasali na kami sa JS Prom kaya nga lang ay nakakilang dahil first time pa lamang pero sobrang saya naman halos natapos na ito ng four ng madaling araw.Unan naman ang aming natanggap nuon.Habang tumatagal ay nagkaroon ako nang tunay na mga kaibigan na tinuring ko na parang aking mga tunay na kapatid tinawag ang aming grupo na Pepxter'x walo kaming miyembro dito.Lagi kaming masaya tuwing kami ay mag-kakasama bihira ang awayan kahit minsan ay may tampuhan.Sama-sama kami sa kaingayan,kulitan at iba pa kaya pare-parehong napagalitan ng mga teachers.Nakilala ko rin ang isa pa sa parang aking naging nanay nasi Tita Irene na may-ari ng tindahan na aming palaging kinakainan.Kahit na minsan pa nga ay sobra ang aming kaingayan tuwing kami ay nasa kanyang tindahan ay ok lang at natitiis niya,pag-alam naman namin na pagod ay hindi na kami nag-papasaway pa.
                Nitong fourth year lamang ay nanatili ako sa sec.C ang iba ay kaklase ko narin dati.Ang iba sa pepxter'x ay nahiwalay at ang isa ay tumigil sa pag-aaral.May mga bago naman na napasali at ayos naman silang pakisamahan,mababait din sila.Madali kaming mga nag-kasundo dahil siguro ay may pag-kakaparehas kami nang mga ugali.Minsan pa ay halimbawa na ayaw na isa ay ayaw narin nang lahat at kapag gusto nang isa ay gusto narin nang lahat.Nang mag-karoon nang trip sa skul ay sumali kami mag-kakaibigan.Sobrang saya dahil first time ko na sumama sa trip nang high scool.Kahit magulo ay enjoy ang lahat sulit.Ten na ng gabi nang kami ay umuwi pagod na pagod ako kaya naman pag-dating na pag-dating ay natulog na ako kaagad.Nag-karoon din ng science camp at sumali rin kami gaya ng trip ay masaya din ito dumoble pa.Lagi kaming puyat dahil puro lang kami sa laro at sa program na ginawa.Nabitin kami dahil hangang tatlong araw nga lang pala ito sana ay may susunod pa.
            Sa seksyon namin madami kaming ibat-ibang contest na sinalihan at salamat naman ay pinalad kaming manalo dito tulad ng cheer dance na nakuha namin ang 3rd place at sa english ay nakuha namin ang  2nd place.
Eto ako ngayon
             Marami na akong mga natutunan sa mga naging karanasan ko sa pagiging isang anak at isang simpleng estudyante.Ngayong malapit na ang aming pag-tatapos ay sisikapan ko na makagraduate para sa aking sarili at sa aking mga magulang.Marami man akong mga kabiguan sa buhay namin ito ang nag-turo sa amin para lumaban at maging handa sa maaaring dumating na problema.Bilang isang anak maaaring gamitin ko ang aking kakayahan para makatulong sa aking pamilya.Dito maraming aral ang tumatak sa akin tulad na ang pakikisama nang ayos sa iba ay mag-dadala sa iyo sa mga tunay mong magiging kaibigan at ang pag-titiwala sa sarili ay ang mag-tuturo sayo upang matutong lumaban at harapin ang problema.Higit sa lahat ay ang pag-kakaroon nang takot sa Diyos at pag-mamahal dito ang magiging gabay mo sa magandang landas sa buhay.Habang patuloy kang nabubuhay ay patuloy karin na makikipag sapalaran sa iyong sarili.

No comments:

Post a Comment