|
Ito ako ngayon. |
Ako si Diana Jane Ilagan Guno, ipinanganak noong ika-16 ng Oktubre 1994. Labing anim na taong gulang. Nakatira sa Brgy. Sto. Niño, San Pablo City Laguna. At ang aking kapatid ay si Jhon Daryl, limang taong gulang. Napaka kulit na bata pero nakakatuwa minsan. Ang paborito kong subject ay Mathematics. Ako ay simpleng bata lamang.
Ang pamilya ko ay isang tahimik at masayang pamilya kahit na apat lang kami sa bahay.Kami ay hindi mayaman at hindi din mahirap simple lang ang aming pamilya at lubos na nag mamahalan.
Ang nasa larawang iyan ay ang aking mga magulang na sina Wenelyn Ilagan Guno at si Raul Dalit Guno. Makikita dyan na sila ay nag pakasal na at nag isang dibdib. Ikinasal sila ay noong ika-22 ng Enero 1994.
|
Kasal nang aking magulang |
Nagkakilala ang aking ama at ina kasi kaibigan ni mama ang kapatid ni papa. Niligawan ni papa si mama at matagal sinagot ni mama si papa.Hindi akalain ni mama na si papa ang mapapangasawa niya dahil hindi niya gusto dati si papa, dati kasi nung hayskul si mama ang nagiging crush niya mapuputi tapos si papa naman maitim.Tapos nung nag tagal sila itinanan na ni papa si mama at sumama na si mama noon.
Si mama ay walong buwan palang pumanaw na ang kanyang ina dahil inatake si lola sa puso kaya kahit kailangan ay hindi nakita ni mama ang kanyang ina kasi wala pa siyang alam noon. Sa larawan lang ni mama nakita ang kanyang ina. Tatlo lang mag kakapatid sina mama, dalawang babae at isang lalaki,si mama ang bunso. Ang nag alaga kay mama noon ay yung pangalawang asawa ng aking lolo at hindi nag tagal ay pumanaw na din ito. Nag karoon ng limang anak doon si lolo. Ang nagpaaral kay mama ay ang kanyang panganay na kapatid na babae. Si mama ay pumasok ng hayskul sa Laguna College o L.C, nakagraduate siya ng fouth year hayskul dito. Hindi na siya nag kolehiyo at siya ay nag trabaho na. Sina papa naman ay sampung mag kakapatid, siya ay pang walo. Elementarya lang ang natapos ni papa dahil sa kakapusan sa salapi at isa pa medyo tamad mag aral.
Sa kanilang pag mamahalan ay isinilang si Diana Jane ako yun. Unang tinirahan namin ay sa Brgy. Sta. Elena, San Pablo City Laguna kina papa un hirap na hirap noon si mama, dahil sympre hirap kumilos pag nasa biyanan tapos laging ganun ang ulam. Kapos din sina papa noon dahil ang dami nilang mag kakapatid. Si mama kasi hindi masyadong naranasan ung ganung buhay kahit na wala na siyang ina.
|
Noong ako ay mag isang taong gulang. |
Ang nasa larawang iyan ay nung ako ay 1 taong gulang,ako ay bungi at kalbo noon parang lalaki.Nang ako ay mag 2 taong gulang na medyo nag kabuhok na ako kahit konti at nag kangipin na din.Lumipat kami sa Brgy.Sto. Niño,San Pablo City sa ipinagawang bahay nang panganay na kapatid ni mama.Ang trabaho ni papa ay karpintero at si mama naman ay nag titinda.Simple lang ang kanilang trabaho pero nakakaraos din kami ng pang araw-araw na pagkain.
|
Graduation ko noong Day Care |
Nag aral ako ng Day Care noon sa Brgy. Sto. Niño Day Care Center dito ako natutong makisalamuha sa ibang tao.Limang taong gulang ako nung nag simulang nag aral.Pag kakaawas namin ako ay nag lalaro mag isa ng bahay bahayan sa amin.Minsan naman ay sa kapitbahay namin ako nakikipaglaro.Nakagraduate ako nang Day Care at may isang medal.
|
Graduation ko noong Kinder |
Ang sinundan ko namang pinasukan ay sa San Pablo Central School nag kinder ako noon at medyo napalayo na ang aking pag aaral. Anim na taong gulang ako noon. Pag kaawas namin noon ay lagi pa rin akong nag lalaro mag isa dahil wala akong kapatid noon.Naka graduate din ako ng kinder sa tulong ng aking mga magulang at sa awa ng panginoon.
|
Graduation noong Grade six |
Sa pag pasok ko ng elementarya sa San Pablo Central pa rin ako nag aral ng Grade one. Nang matuto na akong mag isang umuwi ay Grade three ako noon, half day kami hindi alam ni mama tapos umuwi ako mag isa sa awa ng pangninoon nakarating ako sa amin ng ligtas,dapat lang talaga ay lakas ng loob. Simula noon hindi na ako sinusundo ni mama dahil pinapasabay na niya lang ako tuwing hapon sa aming kapitbahay. Grade 5 ako noon ng mag karoon ng kapatid at ang pangalan niya ay Jhon Daryl, sampung taong gulang ako noon.At natupad ang hiling ko noon na magka meron ako ng cellphone at ito ay hiningi ko sa aking Ninang na nasa ibang bansa. Nung Grade six na ako kami ay nag day camp sa Lipa, Batangas ito ay sa Girl Scout at madami kaming activities na ginawa dito. Lagi kaming may kaaway nang kaibigan ko, siya ay kaklase naming lalaki, minsan napapaiyak namin ito. Ang nilalaro naming mag kakaklase dati tuwing walang klase ay Chinese garter,sipa at iba pa. Tuwing ako naman ay uuwi sa amin ang nilalaro ko ay mga larong panlalaki tulad nang pogs at holen. Sa aking pag susumikap ako ay naka graduate at sa awa nang Diyos ako ay hindi napapatigil nang pag aaral.
First year ako noong ako ay mag alaga sa aking kapatid
|
Ang aking mga kaibigan na si Angelika,Rose Anne,Madec at Glecy. |
tuwing walang pasok. Tita ko ang nag bibigay ng pang baon ko sa araw-araw upang makatapos. Nag aaral ako sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School at kilalang Dizon High ito ay sa San Pablo. Ang seksyon ko noong First year ay I-D, ang paborito kong guro ay si Ma’am Janice Nuevo dahil sa kagalingang niyang mag turo sa Mathematics. First year din ako noong matutong mag computer, mga laro pa ang alam ko noon. Napaka laking halaga ng marunong ka tungkol sa computer. Noong ako ay mag sesecond year tumaas ang aking seksyon naging II-C na at ako ay natuwa. Noong una akong makasama sa Field trip ay Masaya ko at ang una naming pinuntahan ay GSIS ang gaganda nang mga painting dito. Pinaka nag enjoy kami ay sa Star City dahil sa mga rides nito. Exam naming noon nang ako ay mag kabulutong, ang pangit nito sa balat pag naging peklat na. Noong third year hindi nag bago ang aking seksyon C pa rin. Ang pinaka magaling naming guro ay si Ma’am Lee sa Filipino siya nag tuturo. Ngayon ako ay nasa baitang at seksyon ng IV-C. Ang saya saya ko noong unang una akong nakasali sa Sci Camp, dalawang araw kami sa skul natulog at ang daming activities na ginawa kaya pati ako masaya dahil kasama ko ang aking mga kaibigan na sina Rose Anne, Glecy, Madec at Angelica. Masaya ako na naging kaibigan ko sila. Ngayon ay napaka dami naming ginagawa at sana ay matapos naming ito upang maka graduate kaming lahat. Ang lagi lang ikinagagalit nang aming mga guro ay sobrang napaka iingay naming. Sana ay maka graduate kaming lahat para matupad naming ang aming mga pangarap. Ito ang pinaka masayang seksyon sa lahat nang naging seksyon ko dahil dito ko lang naranasan na kaming lahat ay nagkaroon ng masayang pag sasamahan. Sa aking pag aaral ako nag simulang magkaroon ng kaibigan, natuto akong maging masayahin, malungkot, maunawain, magalit at mag sabi ng mga problema, magkaroon ng inspirasyon sa buhay.
Ngayon sa aking pag kokolehiyo ay gusto kong magaral sa magandang paaralan katulad ng Laguna College, ito ay isa sa magandang skul dito sa San Pablo. Ang gusto kong kurso na kunin ay Accountancy o kaya ay HRM, dahil ito ay magandang kurso kahit medyo may kamahal ang mga nagagastos.
Ang lahat ng mga pangarap ko at pag sisikap mag aral ay para sa aking magulang, kapatid at para rin sa aking sarili. Pag ako ay nakatapos nang pag aaral at nagkaroon nang magandang trabaho, hindi ko na sila pag tatrabahuhin pa at ako na ang mag papaaral sa aking kaisa-isang kapatid. At susuklian ko ang mga binigay na tulong ng aking magulang at tita. Kailan man ay hindi ako nag sisi na sila ang aking naging magulang at hindi din ako nag sisi sa katayuan ko nagayon. At sila ay ipagmamalaki ko kahit kanino.
|
Larawan namin nina Mama,Daryl at ako |
|
|
|
|
|
|
Larawan ko noong 2 taon |
|
Glecy, Madec, ako at Angelika |
|
Mga kalaro ko noon mga pinsan ko |
|
Larawan namin nina Khay, Lei at ako |
|
Larawan ko noong 2 taon |
waw ah nice
ReplyDeletewaw ah nice
ReplyDelete