Sunday, February 20, 2011

"Renz, From Past To Present" (Ang Talambuhay Ni Renz Joseph B. Sandoval)

Me and my one and only
          Renz Joseph Bronce Sandoval ang buo kong pangalan. Pangalawa sa apat na anak nina Renato at Josie Sandoval. Ipinanganak noong Nobyembre 2, 1994 sa San Pablo City. Kapatid nina Jayrald, Sharra at Zyron Sandoval.
          Ang sabi ng nanay ko, ang pangalan kong Renz ay galing sa pangalan ng tatay ko na Renato at ang Joseph naman ay galing sa pangalan niyang Josie. Ang Renz Joseph daw ay dapat ipapangalan sa kuya  ko. Pero Jayrald na ang naipangalan sa kanya dahil sa hindi alam ng tatay ko na may plano na pala ang nanay ko na ipangalan sa kuya ko.
          Noong bata pa ako, paborito daw ako ng lola ko. Mas gusto ko pa nga daw na kasama ang lola ko kaysa sa nanay ko. Kaya naman lagi daw akung nag-iiyak nang pumanaw ang aking lola noong taong 1998.
           Limang taon pa nga lang ako ay mahilig na akong gumuhit.nahilig ako dito dahil sa kuya ko na magaling din mag-drawing.mahilig din akong manood ng mga CD at DVD, lalo na yung comedy, horror at suspense. Mahilig din akong makinig ng mga kanta. At ngayon nga ay nag-aaral na ako ng maggitara.
           Noong kinder pa lamang ako, naging masipag ako sa pagpasok.
           Nagpatuloy nga ang pagiging palaaral ko hanggang makatung-tong ako ng elementarya. Nang ako ay Grade 1, naging 3rd honor pa ako. Nung ako naman ay nakatapos ng Grade 2, ako ay 5th honor. Samantalang nung ako ay nakatapos ng Grade 3, ako naman ay hinirang bilang huwarang mag-aaral. Muntik pa nga akong makagraduate na may honor kung hindi lang ako nakakuha ng 79 sa HEKASI noong ako ay Grade 6. Pero nakagraduate ng may mataas na marka na 84.6. Kabay ko noong magtapos ang aking kuya noong 2007. Nagtapos ako ng elementarya sa San Lucas II Elementary School samantalang siya naman ay nagtapos ng high sgool dito sa Dizon High.
Ang paborito kong laruin.
          Pagkatung-tong ko ng high school, naging mapalad ako sapagkat naging sekyon A ako mdito sa Dizon High. Naging masaya ang buhay ko bilang 1st year. Pero sa panahong ito din ako natutong maglaro ng mga computer games. Hindi kaagad ako naakit dito, pero di-nagtagal ay nagustuhan ko din ito. Dahil dito, bumaba ang mga marka ko. Nagpatuloy pa rin ako sa pagkocomputer hanggang maging 2nd year ako kahit na pinagbabawalan ako ng mga magulang ko. Hanggang sa matuto na rin akong mag-cutting. Kya hindi ko na ikinagulat ang pagbagsak ng aking seksyon sa 3rd year. Kahit na naging sekyon B na ako, ay hindi pa rin ako  tumigil sa paglalaro ng computer.
Ang mga machong officer kasama ni sir Marfori

           Noong 3rd year din ako sumubok mag-volunteer sa CAT. At ngayon nga ay officer na ako.
           Sa 3-B ko rin ang girlfriend ko ngayon na si Tricia. Kaya hindi ako nalungkot kahit na bumaba ang aking section.
           Lalu pang naging masaya ang aking pagiging 3rd, dahil dito ko unang naranasan ang  JS prom.
4-C Conquerors

            Sadyang hindi ko maiwasan ang aking mga kalayawan kaya pag-apak ko ng 4th year, ako ay naging section C na. Bumaba man ang aking section, sa 4-C ko naman naramdaman ang tunay na pagkakaibigan. Dito ko nakita na dapat ang magkakaibigan ay hindi nag-iiwanan. At kapag may problema ay hindi nag-iiwanan. Laging magkakasama sa kalokohan.


           Noon ngang January 14, 2011,  sinagot na ako ni Tricia. Hanggang ngayon masaya kami at ni minsan ay di pa nag-aaway.
           Ngayon nga ay nakatakda kaming magtapos, sana ay magkaroon kami ng mas magandang buhay sa kolehiyo.
           At ito ang buhay ko.

Ang Talambuhay ni Micah Krishia I.Garcia



Nung ako ay bininyagan
  Taong 1995 buwan ng Julyo  16 nang ako ay ipinanganak.Pangatlo at kaisa-isang babae sa anak nina Jerry B. Garcia at Adhalia I. Garcia.Labing limang taong gulang.Naninirahan sa Barangy San Rafael San Pablo City.Dito sa lugar na ito ako nag-kaisip at lumaki.
        Bilang isang simpleng tao marami na halos akong mga karanasang nadanas na hindi kailanman mamalilimutan. Nag-aral ako nang elementarya sa eskwelahan ng Joel Town Primary School at lumipat sa Margarita Lopez Laurel Memorial School nuong ako ay mag-iikaapat na baitang.Sa paaralan kilala ako sa pagiging mahiyain,bihira akong sumagot sa klase at makihalubilo sa ibang bata.Ngunit ito ay sa una-una lamang dahil nang ako ay malipat sa Laurel ay nbawasan ang aking pag-kamahiyain,dito ay nakahiligan ko ang pag-sali sa mga sayaw at pag-kanta.Hilig ko na talaga dati pa ang pag-sayaw kaya nuong ako ay kinder nang imbitahin ang aming buong klase na sumayaw sa Parokya ng San Roque ay sumali ako at ang iba pa.Nakilahok din ako sa mardigra nuong ako ay grade four.Iilan lamang ang napili sa aming paaralan at ang iba ay pipiliin pa sa ibang eskwelahan nasa distrito lamang ng Del Remedio.Lagi kaming nag-papraktis nuon sa iskul ng San Marcos at halos inaabot kami ng gabi.Naging sulit naman ang lahat ng pagod dahil kami ang naging first place at tinanghal na best in costume.Wala naman kaming binayaran dito kundi ang hikaw at ang pampaa na aming gagamitin sa laban.Dahil sa sobrang pag-sasayaw sa init ay dito ako nangitim ng husto.
          Bukod sa pag-sasayaw ay naranasan ko ng sumali sa pagiging Miss Del Remedio,masaya ako dahil nag-tiwala sa aking abilidad ang guro ko na si Mam Mojares.Ako ang siyang lumaban bilang Miss San Rafael at ang kapareha ko rito ay si Vince Rafael Guevarra na lumaban bilang Mr.San Rafael.Ngunit sa mga hindi inaasahang mga araw nang papalapit na ang araw ng Contest ay nag-karoon ako ng sakit na bulutong.Nahihiya na akong ipagpatuloy pa sana ang laban pero naalala ko na ayos na ang lahat-lahat tulad na lamang ng gown na aking susuutin at ang float na sasakyan namin para sa float parade na siyang lolo at papa ko pa nag-pakahirap na gumawa.Kaya kahit pa ganuon ang nangyari ay itinuloy ko parin.Sa lahat nang kalahok sa paligsahan ay ako ang pinaka maliit at pinaka bata kaya naiilang ako masyado sa kanila pero mababait naman sila kaya sila na yung mismong nakikipag-kaibigan sa akin.Nang tumagal naman ay naging close ko na rin sila.Ang labanan ay ginanap ng gabi at suportado ako ng aking mga kamag-aral mga guro at aking mga magulang.Hindi ako makakain sa sorang kaba pero sinikap ko pading maging kalmado.Matapos ang lahat ay tinanghal akong 2nd place nang gabing yun at nakita kong proud na proud ang mga nag-suporta sa akin lalo na ang aking mga magulang.Sobrang sarap sa pakiramdam dahil naibahagi ko ang kakayahan ko sa iba.Hanggang ngayon ay nasa akin parin ang ang trophy na aking natanggap at ang dalawa pa ay inilagay sa principal office ng aming paaralan.Narito ang larawan nang ako ay lumaban.Naaalala ko rin na malimit akong kunin na abay sa mga kasal-kasal,natutuwa naman ako dahil magagandang saya ang ipanapsuot nila sa akin gayun din naman sa mga Flores De Mayo.

 

           Sa paaralan ay nakakatanggap din ako ng mga medalya.Masaya ako dahil isang karangalan ang umakyat sa entablado kasama ang iyong magulang na siyang mag-susuot sa iyo ng medalya.Ngunit nang ako ay tumuntong ng ikalimang baitang ay hindi na ako nakakasali sa mga napaparangalan,pero hindi ibig sabihin nito ay pinapabayaan ko ang aking pag-aaral marahil ay dahil sa malimit akong lumiban sa klase kapag ako ay nag-kakasakit.Kahit ganoon ay sinikap ko maging aktibo at humabol sa mga nakaligtangan kong mga aralin.Pero nang mag-simula akong tumuntong nang grade six ay dumoble ang pagiging pasaway at sutil ko.Meron nga akong kaklase nuon na nagalit sakin dahil napagkatuwaan namin na iba kong kaibigan na asarin siya.Ang ginawa namin ay ikinagalit niya nang husto,hinabol niya kmi,binato ng pingan at sinabing pag-papatayin kami kaya sobra ang aking naging takot.Mabuti na lamang at dumating ang isang magulang upang siya ay awatin sa pag-habol sa amin.Mag mula nuon di ko na siya inaasar pa at ako ay nanahimik na lamang.Mas kadalasang nag-lalaro na lamang kami sa Pena Francia Sub.at duon nagliliwaliw sa play ground.Isang hapon ng nag-lalaro kami ay nahuli kami nang security dali-dali kami sa pag-takbo at sa sobrang takot ay sa mataas na bakod na kami dumaan.Sa pag-talon ko ay nag-karoon ako sugat sa tuhod na siyang naging dahilan nang pag-kakaroon ko ng peklat.Buti narin lamang at hindi kami naabutan.Pag-katapos ng nangyaring iyon ay hindi na ako bumalik pa duon para mag-laro.Kaya sa iskul nalang ako parati kapag bakante ang oras dahil duon ay madalas na kaming mapag-utusan nang mga teacher na mag-linis na lamang ng principal office imbes na tumambay sa room.Minsan ng nag-huhugas kami ng pingan ay aksidenteng nasira ang pinalalagyan ng pingan at nabasag lahat ng nkalagay duon.Hindi namin alam ang gagawin ng mga oras na iyon ang mabuti nalang at hindi kami ganuong napagalitan at ipinalinis na lamang ito sa amin ni Rean jen.Sa araw-araw na ganuon ang aming ginagawa ay di ko na namalayan na papalapit na nang papalapit ang graduation.Mga ilang araw ay nag-pakuha na kami ng litrato na nakatoga at nag-simula na rin na mag-praktis nang para sa pag-tatapos namin sa elementarya.Pinili nang aming adviser na Thanks to you ang kantahin handog na daw para sa aming mga magulang.Bago ang lahat ay ginawa namin ang lahat ng aming nakasanayang gawin dat.Mamimiss namin ang lahat ng ito kaya hindi namin mapigilan ang umiyak nang araw na kamiy mag-kakahiwalay na .
               Nang pumasok ako sa buhay pagiging high school marami akong napagtanto.Natutunan ko na mag-ayos ng sarili.Nabawasan ang pagiging tomboyin ko dahil sa mga nag-gagwapuhang lakan ng paaralan.Naisip ko na kailangan ko na kumilos na parang isang dalaga.Naging masiyahin rin ako dahil magigiliw ang mga mag-aaral ng Col.Lauro D.Dizon Memorial National High School.Nang mag-karoon ng gaganapin na concert sa iskul para sa mga estudyante ay nag-audition ako para sa vocal solo at nakapasok naman ako para sa isa sa mag-peperform sa nasabing concert.Pero mga ilang araw lamang nang aming pag-papraktis ay umayaw na iba kong makakasama kaya nag-pasya ako na hindi narin sumali.Sa halip ay nanuod na lamang ako nang gabing iyon,naging masaya prin naman dahil magagaling  ang lahat.Sa labanan naman ng bawat klase ay nakikilahok naman ako tulong narin para sa aming section.Kahit nga lang minsan ay natatalo kami ay atleast ay ipinakita namin ang aming makakaya.
Mga tr3p2x kung picture
               Third year ako nang mapalipat ako sa C medyo kinakabahan ako dahil sec.E ako ng 1st yr. ganun din ng 2nd yr.Marahil ay iba na ang magiging kaklase ko at kailangan muna mangapa.Pero nang tumagal na ay nalaman ko na mababait sila at madali namang makasundo,walang nag-aaway away lahat ay parang mag-kakapatid.Ganun din aman ang aming mapang-unawa na adviser.Dahil kami ay junior na ay kasali na kami sa JS Prom kaya nga lang ay nakakilang dahil first time pa lamang pero sobrang saya naman halos natapos na ito ng four ng madaling araw.Unan naman ang aming natanggap nuon.Habang tumatagal ay nagkaroon ako nang tunay na mga kaibigan na tinuring ko na parang aking mga tunay na kapatid tinawag ang aming grupo na Pepxter'x walo kaming miyembro dito.Lagi kaming masaya tuwing kami ay mag-kakasama bihira ang awayan kahit minsan ay may tampuhan.Sama-sama kami sa kaingayan,kulitan at iba pa kaya pare-parehong napagalitan ng mga teachers.Nakilala ko rin ang isa pa sa parang aking naging nanay nasi Tita Irene na may-ari ng tindahan na aming palaging kinakainan.Kahit na minsan pa nga ay sobra ang aming kaingayan tuwing kami ay nasa kanyang tindahan ay ok lang at natitiis niya,pag-alam naman namin na pagod ay hindi na kami nag-papasaway pa.
                Nitong fourth year lamang ay nanatili ako sa sec.C ang iba ay kaklase ko narin dati.Ang iba sa pepxter'x ay nahiwalay at ang isa ay tumigil sa pag-aaral.May mga bago naman na napasali at ayos naman silang pakisamahan,mababait din sila.Madali kaming mga nag-kasundo dahil siguro ay may pag-kakaparehas kami nang mga ugali.Minsan pa ay halimbawa na ayaw na isa ay ayaw narin nang lahat at kapag gusto nang isa ay gusto narin nang lahat.Nang mag-karoon nang trip sa skul ay sumali kami mag-kakaibigan.Sobrang saya dahil first time ko na sumama sa trip nang high scool.Kahit magulo ay enjoy ang lahat sulit.Ten na ng gabi nang kami ay umuwi pagod na pagod ako kaya naman pag-dating na pag-dating ay natulog na ako kaagad.Nag-karoon din ng science camp at sumali rin kami gaya ng trip ay masaya din ito dumoble pa.Lagi kaming puyat dahil puro lang kami sa laro at sa program na ginawa.Nabitin kami dahil hangang tatlong araw nga lang pala ito sana ay may susunod pa.
            Sa seksyon namin madami kaming ibat-ibang contest na sinalihan at salamat naman ay pinalad kaming manalo dito tulad ng cheer dance na nakuha namin ang 3rd place at sa english ay nakuha namin ang  2nd place.
Eto ako ngayon
             Marami na akong mga natutunan sa mga naging karanasan ko sa pagiging isang anak at isang simpleng estudyante.Ngayong malapit na ang aming pag-tatapos ay sisikapan ko na makagraduate para sa aking sarili at sa aking mga magulang.Marami man akong mga kabiguan sa buhay namin ito ang nag-turo sa amin para lumaban at maging handa sa maaaring dumating na problema.Bilang isang anak maaaring gamitin ko ang aking kakayahan para makatulong sa aking pamilya.Dito maraming aral ang tumatak sa akin tulad na ang pakikisama nang ayos sa iba ay mag-dadala sa iyo sa mga tunay mong magiging kaibigan at ang pag-titiwala sa sarili ay ang mag-tuturo sayo upang matutong lumaban at harapin ang problema.Higit sa lahat ay ang pag-kakaroon nang takot sa Diyos at pag-mamahal dito ang magiging gabay mo sa magandang landas sa buhay.Habang patuloy kang nabubuhay ay patuloy karin na makikipag sapalaran sa iyong sarili.

Saturday, February 19, 2011

Ang Talambuhay nang isang mag aaral na si Diana Jane Ilagan Guno

Ito ako ngayon.
     Ako si Diana Jane Ilagan Guno, ipinanganak noong ika-16 ng Oktubre 1994. Labing anim na taong gulang. Nakatira sa Brgy. Sto. Niño, San Pablo City Laguna. At ang aking kapatid ay si Jhon Daryl, limang taong gulang. Napaka kulit na bata pero nakakatuwa minsan. Ang paborito kong subject ay Mathematics. Ako ay simpleng bata lamang.

   Ang pamilya ko ay isang tahimik at masayang pamilya kahit na apat lang kami sa bahay.Kami ay hindi mayaman at hindi din mahirap simple lang ang aming pamilya at lubos na nag mamahalan.
   Ang nasa larawang iyan ay ang aking mga magulang na sina Wenelyn Ilagan Guno at si Raul Dalit Guno. Makikita dyan na sila ay nag pakasal na at nag isang dibdib. Ikinasal sila ay noong ika-22 ng Enero 1994.

Kasal nang aking magulang
   Nagkakilala ang aking ama at ina kasi kaibigan ni mama ang kapatid ni papa. Niligawan ni papa si mama at matagal sinagot ni mama si papa.Hindi akalain ni mama na si papa ang mapapangasawa niya dahil hindi niya gusto dati si papa, dati kasi nung hayskul si mama ang nagiging crush niya mapuputi tapos si papa naman maitim.Tapos nung nag tagal sila itinanan na ni papa si mama at sumama na si mama noon.
   Si mama ay walong buwan palang pumanaw na ang kanyang ina dahil inatake si lola sa puso kaya kahit kailangan ay hindi nakita ni mama ang kanyang ina kasi wala pa siyang alam noon. Sa larawan lang ni mama nakita ang kanyang ina. Tatlo lang mag kakapatid sina mama, dalawang babae at isang lalaki,si mama ang bunso. Ang nag alaga kay mama noon ay yung pangalawang asawa ng aking lolo at hindi nag tagal ay pumanaw na din ito. Nag karoon ng limang anak doon si lolo. Ang nagpaaral kay mama ay ang kanyang panganay na kapatid na babae. Si mama ay pumasok ng hayskul sa Laguna College o L.C, nakagraduate siya ng fouth year hayskul dito. Hindi na siya nag kolehiyo at siya ay nag trabaho na. Sina papa naman ay sampung mag kakapatid, siya ay pang walo. Elementarya lang ang natapos ni papa dahil sa kakapusan sa salapi at isa pa medyo tamad mag aral.
   Sa kanilang pag mamahalan ay isinilang si Diana Jane ako yun. Unang tinirahan namin ay sa Brgy. Sta. Elena, San Pablo City Laguna kina papa un hirap na hirap noon si mama, dahil sympre hirap kumilos pag nasa biyanan tapos laging ganun ang ulam. Kapos din sina papa noon dahil ang dami nilang mag kakapatid. Si mama kasi hindi masyadong naranasan ung ganung buhay kahit na wala na siyang ina.
Noong ako ay mag isang taong gulang.
Ang nasa larawang iyan ay nung ako ay 1 taong gulang,ako ay bungi at kalbo noon parang lalaki.Nang ako ay mag 2 taong gulang na medyo nag kabuhok na ako kahit konti at nag kangipin na din.Lumipat kami sa Brgy.Sto. Niño,San Pablo City sa ipinagawang bahay nang panganay na kapatid ni mama.Ang trabaho ni papa ay karpintero at si mama naman ay nag titinda.Simple lang ang kanilang trabaho pero nakakaraos din kami ng pang araw-araw na pagkain.

Graduation ko noong Day Care

   Nag aral ako ng Day Care noon sa Brgy. Sto. Niño Day Care Center dito ako natutong makisalamuha sa ibang tao.Limang taong gulang ako nung nag simulang nag aral.Pag kakaawas namin ako ay nag lalaro mag isa ng bahay bahayan sa amin.Minsan naman ay sa kapitbahay namin ako nakikipaglaro.Nakagraduate ako nang Day Care at may isang medal.


Graduation ko noong Kinder
   Ang sinundan ko namang pinasukan ay sa San Pablo Central School nag kinder ako noon at medyo napalayo na ang aking pag aaral. Anim na taong gulang ako noon. Pag kaawas namin noon ay lagi pa rin akong nag lalaro mag isa dahil wala akong kapatid noon.Naka graduate din ako ng kinder sa tulong ng aking mga magulang at sa awa ng panginoon.


Graduation noong Grade six
   Sa pag pasok ko ng elementarya sa San Pablo Central pa rin ako nag aral ng Grade one. Nang matuto na akong mag isang umuwi ay Grade three ako noon, half day kami hindi alam ni mama tapos umuwi ako mag isa sa awa ng pangninoon nakarating ako sa amin ng ligtas,dapat lang talaga ay lakas ng loob. Simula noon hindi na ako sinusundo ni mama dahil pinapasabay na niya lang ako tuwing hapon sa aming kapitbahay. Grade 5 ako noon ng mag karoon ng kapatid at ang pangalan niya ay Jhon Daryl, sampung taong gulang ako noon.At natupad ang hiling ko noon na magka meron ako ng cellphone at ito ay hiningi ko sa aking Ninang na nasa ibang bansa. Nung Grade six na ako kami ay nag day camp sa Lipa, Batangas ito ay sa Girl Scout at madami kaming activities na ginawa dito. Lagi kaming may kaaway nang kaibigan ko, siya ay kaklase naming lalaki, minsan napapaiyak namin ito. Ang nilalaro naming mag kakaklase dati tuwing walang klase ay Chinese garter,sipa at iba pa. Tuwing ako naman ay uuwi sa amin ang nilalaro ko ay mga larong panlalaki tulad nang pogs at holen. Sa aking pag susumikap ako ay naka graduate at sa awa nang Diyos ako ay hindi napapatigil nang pag aaral.

   First year ako noong ako ay mag alaga sa aking kapatid
Ang aking mga kaibigan na si Angelika,Rose Anne,Madec at Glecy.
tuwing walang pasok. Tita ko ang nag bibigay ng pang baon ko sa araw-araw upang makatapos. Nag aaral ako sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School at kilalang Dizon High ito ay sa San Pablo. Ang seksyon ko noong First year ay I-D, ang paborito kong guro ay si Ma’am Janice Nuevo dahil sa kagalingang niyang mag turo sa Mathematics. First year din ako noong matutong mag computer, mga laro pa ang alam ko noon. Napaka laking halaga ng marunong ka tungkol sa computer. Noong ako ay mag sesecond year tumaas ang aking seksyon naging II-C na at ako ay natuwa. Noong una akong makasama sa Field trip ay Masaya ko at ang una naming pinuntahan ay GSIS ang gaganda nang mga painting dito. Pinaka nag enjoy kami ay sa Star City dahil sa mga rides nito. Exam naming noon nang ako ay mag kabulutong, ang pangit nito sa balat pag naging peklat na. Noong third year hindi nag bago ang aking seksyon C pa rin. Ang pinaka magaling naming guro ay si Ma’am Lee sa Filipino siya nag tuturo. Ngayon ako ay nasa baitang at seksyon ng IV-C. Ang saya saya ko noong unang una akong nakasali sa Sci Camp, dalawang araw kami sa skul natulog at ang daming activities na ginawa kaya pati ako masaya dahil kasama ko ang aking mga kaibigan na sina Rose Anne, Glecy, Madec at Angelica. Masaya ako na naging kaibigan ko sila. Ngayon ay napaka dami naming ginagawa at sana ay matapos naming ito upang maka graduate kaming lahat. Ang lagi lang ikinagagalit nang aming mga guro ay sobrang napaka iingay naming. Sana ay maka graduate kaming lahat para matupad naming ang aming mga pangarap. Ito ang pinaka masayang seksyon sa lahat nang naging seksyon ko dahil dito ko lang naranasan na kaming lahat ay nagkaroon ng masayang pag sasamahan. Sa aking pag aaral ako nag simulang magkaroon ng kaibigan, natuto akong maging masayahin, malungkot, maunawain, magalit at mag sabi ng mga problema, magkaroon ng inspirasyon sa buhay.
      Ngayon sa aking pag kokolehiyo ay gusto kong magaral sa magandang paaralan katulad ng Laguna College, ito ay isa sa magandang skul dito sa San Pablo. Ang gusto kong kurso na kunin ay Accountancy o kaya ay HRM, dahil ito ay magandang kurso kahit medyo may kamahal ang mga nagagastos.
      Ang lahat ng mga pangarap ko at pag sisikap mag aral ay para sa aking magulang, kapatid at para rin sa aking sarili. Pag ako ay nakatapos nang pag aaral at nagkaroon nang magandang trabaho, hindi ko na sila pag tatrabahuhin pa at ako na ang mag papaaral sa aking kaisa-isang kapatid. At susuklian ko ang mga binigay na tulong ng aking magulang at tita. Kailan man ay hindi ako nag sisi na sila ang aking naging magulang at hindi din ako nag sisi sa katayuan ko nagayon. At sila ay ipagmamalaki ko kahit kanino.
   


Larawan namin nina Mama,Daryl at ako


















Larawan ko noong 2 taon

Glecy, Madec, ako at Angelika







Mga kalaro ko noon mga pinsan ko
Larawan namin nina Khay, Lei at ako






























Larawan ko noong 2 taon